Translate

Biyernes, Enero 18, 2013

Hinamak Mo Ang Puso Ko!, Ba't Ngayo'y Iniwan Mo


Sa isang payak at maluwalhating pook ng Iligan, minsa'y nagkaroon ng isang napakayuming dilag. Ang kanyang buhok ay waring mga alon, na humahagisgis at dumadamba sa kasuluksulukang bahagi ng pampang ng kanyang balikat. Tila nagmalagintong dulo ng pampang sa kinis at lambot nito. Ang kanyang mukha ay tila isang paraiso, isang pook na hindi pa nagagalaw ng anumang aliw-iw na kusang may tanda sa mga ito. Ang kanyang mata ay magkasing kinang sa pinakamalaking bituin na pumapaitaas sa kalangitan. Maihahalintulad naman sa isang magkahambing na mapatag patag na burol ang kanyang mga pisngi.Ang kanyang ganda ay natatangi, wala ni sinumang dilag sa lupa ang minsa'y makakahigit sa kanya.


Siya ay si Vivial, 23 anyos. Siya ay nagtuturo sa mataas na paaralan ng Vithiapolis. Isang mabait, maamo at mapagmahal na guro sa kanyang mga estudyante. Ang asignaturang kanyang pinagkakagapusang-kamay ay ang Vithiana, na gayon din, ang wikang katutubo ng mga Vithianian.Dahilan ng kanyang pagiging mapagtimpi, magaling at kagalang galang na pakikitungo at pagtuturo, ay naging daan ito upang mapalapit sa kanya ng lubusan ang kanyang mga mag-aaral. At walang duda, maging ang lahat ng mga taong naninirahan sa di kalayuan, maging ay napalapit sa kanyang puso. Datapwat sa husay at maamo niyang pagtuturo, magaling din siyang makihalubilo sa mga tao sa kanyang paligid. Sa bawat grupo at tuhog ng letrang dumadampi sa bukana ng kanyang labi, ay nagagawa na nitong maantig ang puso ng sinumang nakikinig sa kanya. Tila isang mahiwagang kapangyarihan na pumapaloob sa kanya sa kasuluksulukan at kaibuturan ng kanyang laman at pagkatao. Talentong sinuman ay gugustuhing magkaroon ng yaon.


Sa bawat sandaling lumilipas, bawat gawaing natatapos, tubig na umaagos at bawat lupang tumitigang buhat nang tirik ng sikat ng araw at gayundin ang pagtuturo, may sandaling kailangang magpalamig, magpahinga at magsaya.


Bakasyon na, at si Vivial ay umuwi sa kanyang lupang kinalakihan, ang pook na kinagisnan at lugar ng kanyang ninuno, sa Iligan. Lubos na ikinagalak ng kanyang pamilya ang natataon niyang pagdalaw sa mga ito. Ipinaghanda siya ng pagkain at kasiyahan. Tila ang kanyang surpresa ay yaong sinasalubong sa fiesta, pasko at kaarawan niya, ay tila pinagbubuklod buklod at pinagsama sama ng lahat para sa isang natatanging okasyon at pagtitipon na ito. Bawat sulok ng bahay ay kagigisnan at katutunghayan ng kasiyahan at kaluwalhatian, mula sa mga naglalakihang tawa ng bawat ulo sa pamilya. Ang mga bituin at buwan ay tila nakikisaya rin dahilan ng sikat at liwanag nitong hatid mula sa kataastaasan. At ang gabi ay napuno ng galak at pagmamahalan.




Kinaumagahan, ay nagtungo sa tiangge si Vivial upang mamili ng mga gulay at karne upang ipaghanda at ipagluto ang kanyang mahal na pamilya. Sa bandang pag-uwi niya, ay may nakabangga siyang isang binata, palagay niya ay nasa 24 taong gulang na. May kakisigan, magandang lalaki at may kakaibang igting ng damdamin ang bumalandra sa kanya. Tila mas malaki pa at matayog kung ihahalintulad sa naglalakihang pader ng Tsina. Hindi niya maipaliwanag, nagugulumihan ang kanyang isipan. Hindi....hindi...hindi niya kaya.... Bigla na lamang siyang magising sa katutuhanan ng tapikin siya ng lalaki. Katulad niya'y, namimili rin  ito sa tiangge, sapagkat siya'y napag-utusan ng kanyang tiyahin. Dahan dahan na tinayo ng binata ang dalaga sa pagkakalugmok dahilan ng saglit at mahiwagang damba ng kanilang katawan. Naitanong ng lalaki kay Vivial ang anumang maipaglilingkod nito sa dalaga, bilang paghingi ng despensa at maging na rin na makabawi dito. Sagot ng dalaga sa nangangatal at mayuming tinig, " Walang anuman 'yon ginoo, sapagkat ang lahat ng pangyayari ay aksidente lamang". Nag-ika ang binata, "Maraming salamat sa iyong kabutihang-loob, hindi ka lamang pala sing ganda ng Diyosa, sing bait karin nila". Napangiti ang dalaga sa mahinhin na paraan. Sa katunayan, sa likod ng kanyang isipan ay, kumakabugkabog at nagsisilakbo na ang kanyang damdamin. " Mauna na ako sa'yo, kailangan ko ng umalis. Ikinagagalak ko nga pa lang makilala ka", ang diwa ng babae. " Ah, teka!, saan ba ang direksyon mo?", tanong ng lalaki. "Sa ikatlong kanto ng pook ang tungo ko". "Magaling!, doon din ang punta ko. Maari bang sumabay?", ang wika ng binata. Muling ngumiti ang dalaga. Habang naglalakad ang dalawa ay nagkwento ang bawat isa sa kanila. Lubusang natalos ng dalawa ang kanya-kangyang panig. Sa hinabahaba ng nilakad nilang dalwa ay kusa ng naghiwalayan ang isa't isa. Dagliang nagtungo sa kusina ang dalaga upang magluto. Habang nasa kalagitnaan ng pagluluto, ay sumakdal sa isipan ng dalaga ang pag-uusap nila ng binata.Ang yaon pala'y si Yves, mula sa kasuluksulukang bayan ng Iligan. Siya ay isang magiting na sundalo. Kagagaling pa lamang siya sa isang pakikibagbakan mula sa isang malayong pook. Kaya naman, napagpasyahan niyang magbakasyon at dalawin ang tiyahin, na sa di maipaliwanang na tagpo ng mga pangyayari,ay kapit-bahay naman nina Vivial. Si Yves ay 24 na taong gulang,at binata pa, sabay nagwaring na, hindi pa raw nito natatagpuan ang nagpapatibok sa kanyang puso.At buhat dito'y may kung anong gustuhin ang nanaig sa puso ng dalaga. May kung anong bagay siyang dapat makuha.

Kasabay matapos managinip ng gising ng dalaga ay naluto maging ang kanyang inihanda. Inakyat niya sa kani kanilang kwarto ang kanyang pamilya at ginising. Matapos nuon ay pumanaog ang dalaga at naghain na. Pakanya kanyang  nagsipag-upo ang bawat isa. Sabay silang nagdasal at sabay na kumain. Masaya ang bawat isa. Nasasarapan at nalilinamnaman sa kanyang niluto. Matapos makain ng lahat ay nagdiwa ang inay ni Vivial, " Anak, ako na nito, magpahinga ka na lamang muna". Yumango ang anak at nagtungo sa upuan sa harapan ng asotea ng kanilang bahay. Duon ay muli silang nagkasilayan ni Yves. May di maipaliwanag na igting ng damdamin ang dumampi sa kanilang sarili. Nagtilang lumulutang sila sa tubig, ng sila lamang dalwa. Na sila lamang ang tila mga nilalang na nanunuluyan sa daigdig. 

Kinagabihan ay muling nagtungo ang dalaga sa tiangge upang mamili, duon ay nagkita silang muli ng binata. Katulad ng dati, ay magkasabay silang umuwi. Halos araw araw ay nagkikita sila sa tiangge Tila bagang, ginagawa nilang site ang tiangge ng kanilang pagkikita. Tila bagang, nahahanap nila ang sagot sa kanilang naisin sa tiangge. Kaya naman di kalauna'y nagkahulugan ng loob ang dalawa. Minsa'y  dinala ng binata ang dalaga sa dulo ng gubat, doo'y may isang maliit na bahay, luma na at marupok, na nakatanaw sa isang napakagandang tanawin.Doo'y nagkasiyahan ang dalawa. Doon ay naibabanggit nila ang gustuhin nilang sabihin. Kaya naman,mula noon, ay doon na sila nagtatagpo. Bawat araw ng kanilang pagsasama ay nakaimbak at nakaimprinta sa kanikanilang mga puso at isipan. At di kalauna'y napagdesisyunan  ng dalawa na ihayag ang kanilang nararamdaman sa isat isa sa kanilang pamilya. Ang katotohanan ay tinanggap ng lahat, na tila isang ulan mula sa kalangitan na walang ibang maaring gawin kundi ang bumagsak sa isang patutunguhan, ang lupa. Mula noon, mas pumaigting pa ang kanilang samahan. 

Papatapos na ang bakasyon at sila'y bihira na lamang na magkikita. Kaya naman nagtanim ng kanya kanyang pangako ang dalawa sa isa't isa. Ipagpapatuloy nila ang kanilang pag-iibigan anuman ang mangyari.


Natapos na ang bakasyon, at ang bawat araw ng yaon ay puno ng pagmamahal at ala ala para kay Vivial at Yves. Muli ay bumalik sa dating gawi at dating mundo ang guro. Nagkita silang muli ng kanyang mga estudyante. Pawang lahat ay may masasayang ala ala, dahilan sa mga linyang gumuguhit sa bawat mukha ng mga ito. Ngunit, iba ang nararamdaman ni Vivial, may kung anong takot ang nanunuluyan sa kanya. Hindi siya sigurado kung hindi ba siya hahamakin ng kanyang pag-ibig. Kung maipagpapatuloy ba nila ni Yves ang kanilang relasyon. Kung wala bang pagbabago ang magaganap sa pagitan nilang dalwa. Kung talaga bang sila ang para sa isa't isa. Yaon ang mga tanong na mas nagpabigat at pumapaibabaw sa kanyang adhikain. Ang seryosong tanong na walang ibang makakasagot kundi sila lamang dalwa ni Yves.


Lumipas ang mga sandali at buwan, at tila dumating sa puntong nagkatotoo ang lubos na kinababahala at kinatatakutan ni Vivial. Tila nga may nagbago sa kanya, sa pag-ibig niya. Tila nabawasan sa halip na madaragdagan.Hindi niya alam kung ano na ang sinisigaw ng nagsisilakbo niyang puso. May nagbago at may dapat magbago.

 Umabot ang malayong-distansyang-relasyon nila ni Yves ng mahigit dalwang taon.At sa dalwang taon na iyon, tila 6 na buwan lamang ang sila'y nagkasama, muling nagkayakapan at muling nagkatuwaan. At ang iba naman sa mga buwang iyong ay puno ng tukso at kawalan ng tiwala. Umabot pa nga sa puntong nakipaghiwalay na si Vivial kay Yves. Ngunit, ayaw nito na pahintulutang gawin ni Vivial ang maaring niyang maging isang malaking pagsisisi. Kaya naman,nanatili silang magkasintahan. 

Lumipas pa ang mga araw at nag-ibang muli ang damdamin ni Vivial. Nahahalintulad sa ihip ng hangin, na bawat sandali ay pabagubago. Hindi siya siguro kung mahal niya pang talaga si Yves. Kung pag-ibig pa ba ang kanyang nararamdaman para kay Yves o pagmamahal sa isang kaibigan na lang. Muling sumagi sa kanyang isipan ang makipaghiwalay sa binata, ngunit, muli ay hindi siya pinahihintulutang gawin ni Yves ang alin mang sumagi sa isipan niya. Hindi lamang makalawang ulit nangyari ang ganung bagay, maraming beses at iyong lahat ay desisyon ni Vivial. May sandali ngang inabutan na si Vivial ni Yves ng singsing at niyayang magpakasal ngunit, sa kaloob looban ni Vivial ay ayaw niya pa, masyado pa siyang dalaginding para sa mga ganoong uri ng bagay at para magkaroon ng ganuong klase ng buhay. May ninanais pa siyang makamtan sa kanyang sarili. Marami pa ang kanyang mithiin, naiisin at iniibig niyang makamit sa buhay dalaga. Mga bagay na makakatulong sa kanyang maging handa sa buhay mag-asawa.Ngunit hindi pa ngayon ang panahong iyon.

 Binawaliwala ng dalawa ang ganuong pangyayari at ipinagpatuloy ang kanilang relasyon. Hanggang sa isang araw, si Yves na mismo ang kusang sumuko. Nagpakalayulayo at mula nuon hindi na ni minsang nasilayan ni Vivial ang mukha o anyo ng katauhan ni Yves. Tila muling bumalandra sa kanya ang dating pag-ibig niya kay Yves, ngayong wala na ito sa kanya. Hindi niya lubusang natalos kung bakit ayaw niyang matanggap na tapos na ang anumang namamagitan sa kanila ni Yves,na nuon pa nga'y siya pamismo ang gustong makipaghiwalay. Umiiyak siya hindi dahil sa tanggap niya ang anumang nagyari,umiiyak siya dahilan ng kanyang pagsisisi. Ninais ni Vivial na ibalik ang oras, upang baguhin ang mga pangyayari, upang hindi umabot sa ganun, upang hindi siya sukdulang nasasaktan,at upang manatili sa kanya ang kanyang pag-ibig. Ngunit tila naiguhit na ang mga bagay bagay at kailanma'y hindi na maaring mabura. At ang kanyang tadhana'y naisulat na sa malaking aklat sa taas, noon, ngayon at hanggang sa huling mga sandali.


Nililibang niya na lamang ang kanyang sarili, upang takpan ang butas, na namuo  sa kanyang puso, ang sugat na tila napakahirap gamutin. Ang sugat na tanging isip lamang at maging ang puso ang makakapagpapagaling. Ngayon ay sinasabi niya sa kanyang sarili na tanggap niya na ang lahat ng nagyari at kailangan niyang ipagpatuloy ang kanyang buhay. Na hindi siya dapat  magpakalugmok sa minsang pagkakamaling nagawa niya. 

Pilitin niya mang itago ang katutuhanan, darating at darating ang panahon na ang katutuhanang iyan ang magdudulot sa kanya upang matakot na umibig muli. Ito ang maaring magpapahirap sa kanyang nararamdaman. Alinmang silakbo ng naisin niyang itago ang tunay na namumuong pagkatalo sa kanyang puso, kita naman ng marami ang tunay na nangyari.




Salamin sa buhay-pag-ibig ng aking guro.....




< Sa lahat ng mga mambabasa, maari po kayong mag-iwan ng inyong komento sa naturang kwento>

MARAMING SALAMAT PO!!!!

3 komento:

  1. wow!!! ang lalim ng mga salitang ginamit mo!!!creative ka kasi gumamit ng ibang mundo mula sa totoong mundo ng pinanggalingan ng storya.. hmmmp... pwd nang ipasa..."ang gunita ng kahapon, minsa'y nagiging bangongot ng ngayon.."

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. :D, basta't para sa ikasisiya ng iba... magpapatuloy po ako sa aking pagsusulat... maraming salamat po... XD

      Burahin