Translate

Huwebes, Abril 11, 2013

Ang Repleksiyon ng Salamin ng Katotohanan


Magpahanggang ngayon ay nabubuhay parin ang salot sa mundo – ang sugalan at ang pagkalulong sa bisyo. Bagamat ito’y lumaganap pa noong mga nagdaang panahon, ay hindi magawang maiwaksi ng ilan sa atin ang magsugal at magbisyo. Para bang buhay na nila ito. Karamihan sa kanila ay araw-araw na nag-iinom ng alak, at kapagka malilibanan man lamang nila ito kahit isang araw ay hindi sila makakatulog. Kung kaya’t ginagawa ng gayon na para bang bitamina ang lak, na bubuhay sa kanilang resistensya.


Bakit ba hindi nila magawang kalimutan ang sugal at ang magbisyo? May mga mas mabisang paraan naman siguro diba? Oo, marami. Ang hirap lamang kasi ay may ilan sa kanila ay walang balak na iwasan at tigilan ito. Kahit na alam nilang nakasasama ito at may matinding maidudulot sa kanilang katawan at buhay. Katigasan kasi ng ulo ang kanilang pinaiiral. Hindi man lamang nila tinatansiya kung nasa lugar ba sila o wala.


Ang sugal at bisyo ay dapat iwasan. Isa din ang mga ito sa dahilan kung bakit hindi umuunlad at mas lalong naghihirap ang bansa. Lalo’t higit na sa kapanahunan ngayon. Ang pagsusugal ay dapat iwasan dahilan ng ilegal ito at nakasasama sa marami. Ito’y isang paraan ng pagsasayang ng pera. Ditto matutunghayan ang kasabhang “ Pera n asana, naging bato pa”. Tayo na nakatitindi ang nakararamdam ng pagkaawa at panghihinayang sa kanila. Hindi marapat na may sinuman ang may malolong sa ganitong uri ng kahibangan at bisyo.

Maging nung araw ng atin mahal at kabanal-banalang  Panginoong Diyos ay may sugalan na. hindi ito hinayaan ng Panginoon at pinagwawaksi niya ang lahat ng mga gamit sa pagsusugal. Nagwala siya upang ipakita sa tao na walang magandang maidudulot ang pagkalulong sa mga nakasasamang bisyo. Na ang sinuman nagpapagapos ng kamay sa gantong uri ng kahibangan ay nagsasayang lamang ng maraming mga bagay. Halimbawa na ditto ang pera, pahanon, pawis, at higit sa lahat ang buhay. Lumalarawan lamang ito na ang pagsusugal ay hindi kailanman nais n gating panginoon. Ang pagkalulong sa mga ito ay kapintasan at pagkakaroon ng walang galang sa Panginoon.


 Ang pagbibisyo ay binubuo ng binubuo ng pag-iinom, pagsusugal, pagsama at pagkalulong mula sa mga illegal na negosyo, pagdodroga, at iba pang mga hindi kanis-nais na mga bagay na nakasisira sa tao pati narin sa moralidad at pagkakakilanlan nito. Ngunit ang pas partikyular at halos sukdulang lumaganap sa bawat bayan ay ang pag-iinom at ang paninigarilyo.


Karamihan at kadalasang may bisyo ay ang mga bana. Bagamat may ilang mga kababaihan ang nagbibisyo, mas partikyular ang mga kalalakihan. Kay naman sa oras ng sweldo, ay halos wala na itong maibibigay sa asawa. Dito nagsisisi at nag-aawayan. Kung talagang iniwasan lamang ang mga ito sa simula pa lamang ay wala na sanang problema sa tahanan. Kung wala lang sana ang mga salot na’to ay mananatili pa rin sana ang kagandahan ng mundo. Ang pagbibisyo na rin kasi lalo’t higit sa paninigarilyo ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na nabubutas an gating ozone layer. Ang usok nito ay masasabing kabilang sa mga greenhouse gases na puno’t dahilan ng climate change, ang biglaang pagbabago ng temperature at kalagayan ng mundo. Ang pagkasilang ng kaisipang modernisasyon ay ang ugat ng patuloy at unti-unting pagkamatay ng mundo. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento